Dahil din sa pananampalataya,
si Abraham ay nagkaroon ng kakayahang maging ama,”
Hebreo 11:11
DAHIL SA PANANAMPALATAYA. Ang Diyos ang siyang nagsabi, “Ang matuwid kong lingkod ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya” (Heb. 10:38). Bawat isa sa atin, lalo na ang mga ama ng tahanan, ay hindi nakadepende sa mga bagay na nakikita lamang kundi umaasa sa mga bagay na parating pa lamang kahit hindi pa lubos itong nakikita. Pananampalataya ang nagdidikta sa bawat hakbang na ating ginagawa.
NAGKAROON NG KAKAYAHANG MAGING AMA. Nais kong bigyang-diin na ang pagiging ama, tulad ni Abraham, ay isang kaloob mula sa Diyos. Hindi lamang ito sa kakayahan o hindi kakayahang magkaanak. HIndi rin ito nasusukat sa matatag na disposisyon ng isang lalaki sa loob ng kanyang tahanan. Dapat nating tandaan na sa Diyos nagmula ang tungkulin at kakayahan ng pagiging ama. Kaya nga, pribilehiyo ng isang ama na siya'y maging modelo ng pananampalataya sa mga anak. Hindi lamang sa pananampalataya kundi sa pagiging Ama ng Diyos sa kanyang buhay. Sapagkat ang ipinakikitang buhay ng ama sa harap ng anak ay maaaring magdala o maglayo sa pananampalataya. Huwag sayangin ang pagkakataong ipinagkatiwala ng Diyos. Maging huwarang ama!
HUWARANG AMA! Dalangin ko na ang bawat amang makakabasa nito ay maging huwaran sa kanyang mga anak sa lahat ng larangan at takbuhin ng kanyang buhay. Lalo na sa pananampalataya sa Panginoong Diyos! Maging makadiyos na ama sa loob ng tahanan!
Pastor Jhun Lopez
No comments:
Post a Comment