Search This Blog

Friday, September 29, 2023

Peace Be With You! PAANO MAGIGING PAYAPA?

 

“Ang kapayapaan ay iniiwan ko sa inyo: ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo: hindi gaya ng ibinibigay ng sanglibutan, ang ibinibigay ko sa inyo.”

Juan 14:27

  

Paano magiging payapa?

Paggising pa lang sa umaga,

Sinasalubong na ng iba’t ibang problema

Ano kayang kakainin ng pamilya?

Nagtatalo ang mag-asawa

Mga anak, nagkakanya-kanya.

 

Paano magiging payapa?

Di na nga napigil pasaheng siyete singkwenta

Pati presyo ng bigas nagpakataas pa

Anong halaga ng sweldong pinagkakasya?

Ang hirap ng panaho’y damang-dama

Hindi na nga bumubuti, lumalala pa.

 

Paano magiging payapa?

Sa takbo ng mundong magulo’t malala

Ang pag-aaway sa lipuna’y cancer na yata

Ano ba ang sagot sa atin ng Biblia?

Kay Jesus,ang lahat ay magiging payapa

Tanggapin lamang ito mula sa Kanya.


PastorJLo

 

No comments:

Post a Comment

Featured Post

Peace Be With You! GAWIN MO AKONG KAPAYAPAAN

At maghari sa inyong puso ang kapayapaan ni Cristo, na diya'y tinawag din naman kayo sa isang katawan; at kayo'y maging mapagpasalam...