Search This Blog

Tuesday, November 16, 2021

MANALANGIN AT MANALIG

    1 Juan 5:14-15

"May lakas-loob tayong lumapit sa kanya dahil alam nating ibibigay niya ang anumang hingin natin kung ito'y naaayon sa kanyang kalooban. At dahil alam nating pinapakinggan nga niya tayo, alam din nating ibinibigay niya ang bawat hinihiling natin sa kanya."

____________________

KUNG NAAAYON SA KANYANG KALOOBAN. Nakatitiyak  akong ang Diyos ay tumutugon sa ating mga panalangin. Maaaring ang tugon Niya ay agarang pagkakaloob ng ating hiniling. May mga pagkakataong ang tugon Niya ay hindi, o kaya'y pinadadaan Niya tayo sa matiyagang paghihintay. Sa anumang tugon ng Diyos, tanggapin nating ito ang Kanyang kalooban. At sa tuwing tayo ay lalapit sa Kanya, walang pag-aalinlangan nating idudulog ang ating mga pangangailangan. 



PINAKIKINGGAN NIYA TAYO. May lakas din tayo ng loob sa pananalangin sa mahabaging trono ng Diyos sa katiyakang tayo ay Kanyang pinakikinggan. Hindi tayo nagsasalita sa hangin. Tayo ay nakikipag-ugnayan sa Makapangyarihan at Mahabaging Diyos. Sa pag-asa at pananalig na ang mga panalangin ng ating mga puso ay nakararating sa pandinig ng Diyos. Dahil dito, sa diwa ng pananampalataya, inaangkin nating tutugunin tayo ng Diyos sa Kanyang kalooban, sa Kanyang tamang panahon.

Ang pananalangin ay kapahayagan ng ating pananampalataya sa Diyos. Hindi natin Siya nakikita subalit nagtitiwala tayong Siya'y tapat sa mga pangako. Anumang hingin natin sa pangalan ng Panginoong Jesus ay ipagkakaloob Niya sa atin. Tutugon ang Diyos. Manalangin at manalig lamang tayo sa Kanya.

Pastor Jhun Lopez

No comments:

Post a Comment

Featured Post

LUMALAGO SA PANANAMPALATAYA

      Alam ko ang mga ginagawa mo: ang iyong pag-ibig, katapatan, paglilingkod at pagtitiyaga. Nalalaman kong ang mga ginagawa mo ngayon ay ...