BASAHIN: Genesis 37
“May kasabihang, ‘blood is thicker than water’ na ang tinutukoy ay ang pagiging higit na magkalapit nang magkadugo kaysa hindi. Ang pamilya ay unang masasabi nating magkakadugo. Inaasahan dito ang higit na pagmamalasakitan at pagsusuportahan. Sa pamilya dapat unang nararamdaman ang pagmamahalan, pero sa tinatawag na ‘dysfunctional family,’ na sa simpleng kahulugan ay magulong pamilya, ang inaasahang ugali ay hindi nakikita. Ating sasaliminin ngayon ang kalagayan ng pamilya natin sa pamamagitan ng tahanan ni Jacob at kanyang mga anak.”
Si Jacob ay si Israel. Labindalawang lalaki ang anak
niya. Si Jose ay panganay na anak ng asawang minamahal niya na sa panahong iyon
ay patay na – walang iba kundi si Raquel. Namatay ito sa panahong ipinanganak
niya ang bunsong si Benjamin. Sa labindalawang anak ni Jacob, si Jose ang mas
mahal niya sapagkat may edad na siya nang isilang ito (t. 3). Sa mga talatang
binasa natin, seventeen years old na
si Jose. Isa-isahin natin ang mga positibo at mga negatibong nangyari sa loob
at labas ng kanilang tahanan.
SA LOOB
NG TAHANAN. Napakagandang tingnan ang isang amang nagmamahal sa
kanyang anak. Gayundin, ang palagiang paglapit ni Jose sa ama at maging sa mga
kapatid ay nagpakita ng malapit na pakikipag-ugnayan sa pamilya. Ang hindi
mabuti ay ang pagkamuhi at pag-ayaw ng magkakapatid na kausapin si Jose dahil
nakita nilang ito ang paborito. Nagdagdag pa sa galit nila, maging ni Jacob,
ang ikinuwento niyang mga panaginip. Inggit na inggit ang magkakapatid.
SA
LABAS NG TAHANAN. Ang malasakit ni Jacob sa mga anak ay
makikita nang utusan niya si Jose na tingnan ang kalagayan ng mga ito sa
pastulan. Mabuting makita rin natin ang walang pagrereklamong pagsunod ni Jose
sa kanyang ama. Sa sama ng ilang mga kapatid sa ama ni Jose, tinangka siyang
patayin ng mga ito. Dalawa ang nagpakita ng kabutihan na mapigil ang pagpatay,
sina Ruben at Juda. Kaya sa halip na patayin, inihulog na lamang si Jose sa
balon at sa huli’y ipinabili siya sa mga nagdaang mangangalakal na Ismaelita.
APAT NA
BABALA SA PAMILYA mula sa tahanan ni Jacob: (Basahin at
pag-usapan.)
1. Kahit magkadugo, maaaring hindi
magkasundo.
2. Kawalan ng disiplina, dulot ay problema. (Walang
aksyon si Jacob sa sumbong ni Jose.)
3. Ang selos at inggit, resulta ay pangit.
4. Kawalan ng katarungan, sa tahanan pwedeng maranasan.
No comments:
Post a Comment