Search This Blog

Monday, September 14, 2020

SAKALI MANG IPAHINTULOT NG DIYOS

BASAHIN: 1 Pedro 3:13-17 

Sapagkat ang mga sinusulatan ni Apostol Pedro ay nasa ibang bayan at nakararanas ng sari-saring pagsubok, kasama na ang mga pag-uusig na tinatanggap nila sa kabila ng kanilang pananatili sa katuwiran ng Diyos, ang mga prinsipyo kung paano sila magre-react sa mga ganitong sitwasyon ay mahalaga para sa kanila. Ipinaunawa na niya sa talatang 9, “Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Huwag ninyong sumpain ang sumusumpa sa inyo.” Mahirap maunawaan ito, lalo na sa tagubiling, “pagpalain ninyo sila” (t.10). Ginawan ka na ng masama, isinumpa ka na, ang tamang sagot, “God bless you.” Paano nga ba tayo magre-react sa mga pag-uusig? Sakaling ipahintulot ng Diyos na tayo ay gawan ng masama sa kabila ng mabuti nating ginagawa:

1.       Alalahaning tayo ay mga pinagpala ng Diyos (t. 14a). Ipinaaalaala ni Pedro ang isa sa mga mapalad na sinabi ng Panginoong Jesus (basahin ang Mateo 5:10-12). Malaki ang gantimpala sa langit ng mga inuusig dahil sa Panginoon. Magalak! Pinagpala tayo!

2.       Huwag matakot at huwag mabagabag (t. 14b). Ang maaaring maging reaksyon natin ay pagtakbo at pagtakas dahil sa takot kasabay ng naguguluhang isipan. Ang nararapat, maging panatag tayo dahil sa katiyakang ang mga mata ng Diyos ay nakatuon sa atin.

3.       Patuloy na igalang ang Panginoon (t. 15a). Manatili sa katuwiran ng Panginoon sa kabila ng mga pag-uusig. Kilalaning lahat nang nagaganap ay nasa mga kamay ng Panginoon. God in in control. Huwag magpadala sa udyok ng galit at paghihiganti.

4.       Maging mahinahon at may paggalang sa mga reaskyon (t. 15b-16a). Tulad ni Esteban, inusig siya dahil hindi masalungat ng mga tao ang karunungan ng Espiritu sa kanya. Nang pagmasdan nila ang mukha niya, “nakita nila na ang kanyang mukha ay parang mukha ng anghel” (Mga Gawa 6:15). Napakagandang kahinahunan!

5.       Panatilihing malinis ang budhi (t. 16b). Kapag ang budhi ay nadungisan, uusigin na tayo nito sa ating kalooban. Mahirap makabawi kapag ito’y nasira. Nakokonsensiya pero hindi nagbabago ng nilalakarang landas. Pahalagahan at ingatan ang integridad.


Higit na mainam ang kayo'y magdusa dahil sa paggawa ng mabuti, sakali mang ito'y ipahintulot ng Diyos, kaysa magdusa kayo dahil sa paggawa ng masama” (t.17). Ang pag-uusig sa mga Cristiano ay hindi tanda ng kawalan ng hustisya. Ito ay nagpapatunay na tayo nga ay kabilang sa sambahayan ng Diyos. Mas lalong ipagtaka ang kawalan ng pag-uusig sa buhay. Baka kaya walang pag-uusig dahil kasabay na pala tayo sa agos ng mundo. Wala tayong nararamdamang conflict sa buhay dahil kaisa na pala nila tayo sa paggawa ng masama. Di ba nga, naiiba tayo sa takbo ng sanlibutan. Sama-sama nating aralin ang mga tamang reaksyon na ito. Nang sa gayon, patuloy nilang makita ang naiibang buhay ng mga alagad ni Cristo. 


Pastor Jhun Lopez



__________________________________

Nakaraangn blog:NARANASAN NA NINYO ANG KABUTIHAN NG PANGINOON 

No comments:

Post a Comment

Featured Post

LUMALAGO SA PANANAMPALATAYA

      Alam ko ang mga ginagawa mo: ang iyong pag-ibig, katapatan, paglilingkod at pagtitiyaga. Nalalaman kong ang mga ginagawa mo ngayon ay ...