Search This Blog

Thursday, July 25, 2019

ANG NAIS NG DIYOS SA ATING PAGSAMBA


“Itinuro na niya sa iyo, kung ano ang mabuti. Ito ang nais ni Yahweh: Maging makatarungan ka sa lahat ng bagay, patuloy mong mahalin ang iyong kapwa, at buong pagpapakumbabang sumunod ka sa iyong Diyos. ”
Mikas 6:8

MAGING MAKATARUNGAN. Ang ating Diyos ay Diyos ng katarungan. Siya ay patas at maaasahang matuwid ang paghatol. Ang katarungang ito ang Kanyang ipinatutupad sa sangkatauhan; Cristiano man o hindi. Ang kasalanan ng tao ay tiyak na ipagsusulit sa Kanyang hukuman. Sa panahong ito ng kawalan ng katarungan; ang mga aba ay inaapi at ang mga mahihina ay niyuyurakan, mahalagang maging makatarungan tayo at sa buhay natin ay makita ang katarungan ng Diyos. Ito ang nais ng Diyos.

MAGING MAPAGMAHAL. Alam na ng marami ito, kung hindi man lahat, na ang nais ng Diyos na pagmamahal ay katulad ng Kanyang pagmamahal—pagmamahal na walang kondisyon. Ang pag-ibig ng Diyos ang nagbalanse kung paano Niyang itatrato ang tao. Kailangan Niyang parusahan ang tao dahil sa kasalanan, subalit dahil mahal Niya tayo, ayaw Niya tayong maparusahan. Kaya ang pag-ibig ng Diyos ay naipakita sa pamamagitan ng Panginoong Jesus. Ibinigay ang bugtong Niyang Anak nang walang kondisyon kundi dahil lamang sa Kanyang pagmamahal sa sangkatauhan. Kaya dapat rin naman tayong magmahal sa kapwa. Ito ang nais ng Diyos.

SUMUNOD SA DIYOS. Tinawag tayo ng Diyos upang matanggap natin ang kapatawaran ng kasalanan nang sa gayon ay maligtas. Pero kaakibat ng pagtawag na ito ay ang pagsunod kay Jesus bilang Panginoon. Siya ang masusunod. Ang Kanyang mga utos ay matatagpuan sa Banal na Kasulatan. Habang tayo ay natututo sa Biblia, ang pagsunod sa Kanya ay inaasahan. Hindi maaaring alam lang natin ang Kasulatan, kailangang may pagsunod sa nais ng Diyos. Mahalaga ang mga handog, subalit higit na mahalaga ang puso nating handang sumunod. Ito ang nais ng Diyos.
  

Pastor Jhun Lopez


_______________________________

No comments:

Post a Comment

Featured Post

PATULOY TAYONG LUMAGO

    Sa halip, patuloy kayong lumago sa kagandahang-loob ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo, at sa pagkakilala sa kanya. S...