Lahat nga ba ng ating tinatanggap at tinatamasa ay bigay ng Diyos? Naniniwala akong ang isang mananampalatayang sumusunod sa Diyos ay tiyak na tatanggap ng gantimpala mula sa Diyos. At ang mga sumusuway ay tatanggap naman ng pagdisiplina ng Diyos. Sa magkabilang panig, ang Diyos pa rin ang nagbibigay. Kaya’t ang malaking tanong, “Ano ang ibibigay ng Diyos sa akin ayon sa buhay na ipinakikita ko sa Kanya?”
BIBIGYAN KA NG DIYOS! Pagtuunan natin sa ang mga pagpapalang bigay ng Diyos sa atin. Ang mga palo o parusa bunga ng ating mga kasalanan ay ating isantabi at bigyan diin natin ang mga biyayang nakalaan sa bawat Cristianong lumalakad sa matuwid na landas ng ating Panginoon.
Paghandaan natin ang mga prinsipyo tungkol sa pagpapalang ibibigay ng Diyos. Alamin natin at isabuhay ang susing ibinigay ng Diyos nang sa gayo’y makamit natin ang mayamang biyaya ng Mapagkaloob na Panginoon natin.
Ihanda ang sarili sa saganang biyaya ng Panginoon na mag-uumapaw sa ating mga buhay. BIBIGYAN KA NG DIYOS!
**Ang blog post na ito
ay hango sa Pastoral Letter
ni Rev. Oscar P. Lopez Jr.
sa Sangandaan IEMELIF Church
IN CASE YOU MISSED IT! (Click the Title)
No comments:
Post a Comment