"Humingi kayo, at kayo'y bibigyan;…
Ibibigay niya ang mabubuting bagay
sa mga humihingi sa kanya!”
Mateo 7:7, 11
Minsan ko nang nabanggit ang katapatan ng Diyos sa pagbibigay ng pangangailangan ng aking sambahayan. Ipinagmamalaki ko ang kabutihan Niya sa lahat ng \pagkakataon lalo na sa panahong kailangan namin ang Kanyang tulong. Ibinibigay ng Panginoon ang kahilingan ng Kanyang lingkod!
BIBIGYAN ANG HUMIHINGI. Totoong alam na ng Diyos ang bawat pangangailangan natin kahit hindi pa natin ito hinihingi. Subalit ang pagtanggap nito’y nakasalalay sa ating paghingi. Maliwanag ang katuruan ng Salita ng Diyos, “humingi…bibigyan…. Ibibigay… sa mga humihingi…” Walang pasubali na ang bibigyan ay ang mga humihingi!
Hindi natin maaaring tanungin ang pamamaraan ng Diyos: bibigyan ang humihingi. Ang ating pagtuunan ay ang paraan ng paghingi. Tamang paghingi upang matanggap natin ang tugon ng Panginoong Jesus. Hindi ang pansariling pamamaraan natin kundi ang pamamaraang ibinibigay ng Diyos sa Kanyang Salita. Humingi ang nais bigyan ng Diyos!
**Ang blog post na ito
ay hango sa Pastoral Letter
ni Rev. Oscar P. Lopez Jr.
sa Sangandaan IEMELIF Church
IN CASE YOU MISSED IT!
No comments:
Post a Comment