Search This Blog

Wednesday, June 17, 2015

SALITA AT GAWA

Huwag kayong gumamit ng masasamang salita;
lagi ninyong sikapin na ang pangungusap ninyo'y makakabuti
at angkop sa pagkakataon
upang pakinabangan ng mga makakarinig.  
Efeso 4:29

SALITA AT GAWA. Ang kapangyarihan ng salita ay higit na nakikita sa ating mga gawa. Lagi ngang sinasabi ang mga katagang, “Walk the Talk” na ang ipinahihiwatig ay ang pagsasabuhay ng ating sinasalita. Hindi nga naman epektibo ang anumang sinasabi natin kung hindi naman napapatunayan ng uri ng ating pamumuhay. Subalit nalalaman din nating sa kapangyarihan ng pagsasalita, malamang sa hindi na ang ating sinalita ay magaganap isang araw. Sa diwa na kung ano ang laman ng puso ay siyang lumalabas sa bibig, ito na rin ang nagiging pamantayan natin sa araw-araw na buhay.

ANG GAWA NA SINASALITA. Sa sulat ni Apostol Pablo sa mga taga-Efeso, sinabi niya ang pamantayan sa pagsasalita na ginagawa ng ating dila. “Huwag...gumamit ng masasamang salita,” tulad ng pagmumura at malalaswang pananalita.  Hindi tayo basta lang nagsasalita, dapat “ang pangungusap ninyo’y makakabuti at angkop.” At para sa lahat, ang pagsasalita natin ay “pakikinabangan ng mga nakakarinig.” Ang paggawa ng mabuti bilang Cristiano ay nagsisimula sa paraan ng ating sinasabi. Muli, ang lumalabas dito’y mula sa puso.

ANG SINASALITA NG GAWA. Narinig na nating paulit-ulit, “Actions speak louder than words.” Hindi man tayo magsalita, nababasa ng mga tao kung ano ang sinasalita ng ating puso.  Pero hindi ito dahilan upang tayo ay hindi na magsalita. Hindi kasindami ng mga masalita, lalabas pa rin sa labi kung ano ang nilalaman ng puso ng bawat isa sa atin. Makapagtatago tayo marahil, lalo na sa mga bihasa sa pagsisinungaling, ngunit di mapipigilang isang araw ay sasabihin ng dila ang idinidikta ng puso’t isipan. Ang nilalaman ng puso ay naririnig sa pagsasalita at nakikita sa ating paggawa.

Pastor Jhun Lopez



3 comments:

  1. Good morning po pede po mag tanung
    Meron po ba kayong patern oh guide sa pag gawa ng devotion?

    ReplyDelete
  2. Good morning po pede po mag tanung
    Meron po ba kayong patern oh guide sa pag gawa ng devotion?

    ReplyDelete
  3. Hi, Joseph. Actually, kung devotional lit ang tinutukoy mo, sa palagay ko'y may standard outline na ginagamit sila tulad ng Our Daily Bread at Upper Room. Title, Verse, Bible Reading, Reflection ng Writer, Prayer and a Qoute.
    About Pinoy Devotion, it's my personal reflection of the verse and more of a challenge at the end. If you will recognize, eto ang laging outline ko, TITLE, Verse, then a 3-Point reflecton of the given verse.

    ReplyDelete

Featured Post

LUMALAGO SA PANANAMPALATAYA

      Alam ko ang mga ginagawa mo: ang iyong pag-ibig, katapatan, paglilingkod at pagtitiyaga. Nalalaman kong ang mga ginagawa mo ngayon ay ...