Search This Blog

Thursday, May 15, 2014

DIYOS ANG NAGPAPALAGO

“DIYOS ANG NAGPAPALAGO”
1 Corinthians 3:5-9
Tanging ang Diyos ang nagpapalago sa buhay ng isang Cristiano


PAMBUNGAD: 
  1. Pagbati.
  2. Growing churches vs. Stagnant churches.

Sa panahon natin sa ngayon, iilan lamang ang mga pangalan ng mga iglesiang Cristino ang makakakitaan natin ng patuluyang paglago nito sa bilang. Karamihan ay mga iglesiang natigil na sa paglago. Ang ilan ay dumaraan na lamang sa maintainance. Ang kadalasang pamamaraan natin ay ang mga gawaing REVIVAL subalit marami pa rin sa mga iglesiang ito ang nasa SURVIVAL na lamang.

3. Theme / Text / Title / Proposition
4. Tanong:  “Anu-ano nga ba ang dapat nating isaalang-alang sa paglago ng isang Cristiano/iglesia?”
5. Transition: Ating tignan ang ilan sa mga prinsipyo na ating makikita sa talataang pagbabatayan natin sa oras na ito. Hayaan nating ang Diyos ang mangusap sa ating kalagitnaan.
6. PRAY!

“DIYOS ANG NAGPAPALAGO”
Lubos nating mauunawaan ang ginagawang pagpapalago ng Panginoon sa isang Cristiano o maging ng isang iglesia sa pamamagitan ng tatlong mahahalagang bahagi nito.

ANG BUKIRIN
(v.9)

Pagpapaliwanag:

1. Ang BUKIRIN na PINALALAGO ng DIYOS ay BUKIRIN Niya.
Ang isang bukirin ay mahalaga upang malaman natin ang ginagawang pagpapalago ng Diyos. Subalit dapat nating malaman na ang bukirin na Kanyang pinalalago ay iyong Kanyang bukirin. Sinusugo Niya ang Kanyang mga manggagawa sa Kanyang bukirin. Doon gumagawa ang mga lingkod ng Diyos. At doon nangyayari ang pagpapalago na ginagawa Niya.

2. Ang IGLESIA ang BUKIRIN ng DIYOS.
Ayon na rin kay Pablo, ang iglesia sa Corinto na kanyang sinusulatan ang tinutukoy niyang bukirin ng Diyos. Ang mga mananampalataya ni Jesus ang siyang bukirin ng Diyos. Samakatuwid ay ang Iglesia ng ating Panginoong Jesus.

Paglalarawan: Ang PAGHAHANDA sa BUKIRIN.

Pagsasabuhay:
  1. Ang Bukirin ng Diyos ay palalaguin ng Diyos.
  2. Maging mapagpakumbaba tayo sa gagawing paghahanda ng Diyos sa atin tungo sa malagong buhay Cristiano.
  3. Ipalinis na natin ang mga dumi na nais alisin ng Diyos upang lumago ang bawat binhi na itatanim sa atin.


ANG MGA MANGGAGAWA SA BUKIRIN
(v.5,8,9)

Pagpapaliwanag:

1. LINGKOD ng DIYOS

a. Kasangkapan ng Diyos sa pag-akay ng tao.
Ang isang lingkod sa panahon ng Biblia ay isang taong walang pag-aari maging ang kanyang sarili. Siya ay pag-aari ng kanyang Panginoon. Hindi maaaring magreklamo ang isang lingkod gaano man kahirap ang ipinagagawa ng kanyang amo.

Kasangkapan. Bilang kasangkapan, wala kang magagawa kundi ang magpagamit. At ang tungkulin ng isang lingkod ng Diyos sa kanyang bukirin ay ang mag-akay ng tao sa Panginoon. Mga taong mapapabilang sa Kanyang bukirin. Mahalaga ang bukirin. Gayunpaman, mahalaga rin naman ang isang lingkod sa bukirin.

b. Tinutupad ang gawaing iniatang.
Kung ano ang iniatang sa iyo, iyon ang iyong gawin. Tutuparin ang lahat ng ipinag-uutos ayon sa pamantayan ng kanyang Panginoon at hindi ng kanyang sarili. Tumutupad at hindi nagwawalang-bahala. Ginagamit ng Diyos ang Kanyang mga lingkod upang maganap ang pagpapalago na Kanyang gagawin.

2. MANGGAGAWA ng DIYOS

a. Hindi nagmamataas.
Ang Diyos ang mahalaga! Hindi ang nagtatanim ni ang nagdidilig. Ang karangalan ay sa Diyos at hindi sa mga taong nagpapagal sa bukirin. Wala tayong sukat ipagmalaki sa Diyos dahil tayo ay kapwa manggagawa ng Diyos.

b. May gantimpala ang pagpapagal
Hindi naman nasasayang ang pagpapagal natin. Sa halip, ang Diyos ay nagbibigay ng gantimpala sa lahat ng mga manggagawa Niya. AYON SA PAGPAPAGAL NITO!

Paglalarawan: Ang suweldo.

Pagsasabuhay: 
  1. Gumawa ayon sa gawaing iniatang sa atin.
  2. Lalago ang ating iglesia, ang bukiring ito ng Diyos sa tulong-tulong na paggawa ng bawat isa sa atin bilang lingkod Niya.
  3. Magpagal tayo bago umasa sa gantimpala! Tandaan: walang paglago kung walang pagpapagal.

  
ANG NAGPAPALAGO NG TANIM SA BUKIRIN.
(v.6,7)

Pagpapaliwanag:

1. DIYOS ang Siyang NAGPAPALAGO.

a. Gawin ang iyong mga tungkulin at mga pananagutan.
Malinaw sa atin na ang bawat lingkod ng Diyos sa Kanyang bukirin ay nararapat na gumanap ng tungkuling iniatang sa kanya.

b. Magtanim ng magtanim; magdilig ng magdilig.
Malinaw din sa atin na ang bawat manggagawa Niya ay kinakailangang magtanim...magdilig. Ang tungkulin natin ay hindi ang pagpapalago. Ang tungkulin natin ay gawin ang trabaho natin. Gawin ang ating bahagi sa gagawin ng Diyos na pagpapalago sa Kanyang bukirin.

c. DIYOS ang magpapalago.
Malinaw na malinaw sa atin na maliban na ang Diyos ang gumawa, wala pa ring paglagong magaganap, Siya ang nagpapatubo at nagpapalago. Kahit anong pilit nating palaguin ang isang gawain kung ang pag-asa naman natin ay hindi nakaugnay sa Diyos, walang paglago na magaganap.

Sapagkat ANG DIYOS ANG NAGPAPALAGO!

Paglalarawan: Ang mga iglesia sa ating panahon.

Pagsasabuhay: 
  1. Sa Diyos tayo umasa. Hindi sa pastor. Kapwa ninyo kami manggagawa sa bukirin na ito. 
  2. Magkaisa tayo sa paggawa. Hindi kaya ng mag-isa ang mga pananaw ng atin iglesia. Lalago tayo sa biyaya ng Diyos. Pero kailangan muna nating magtanim at magdilig. 
  3. Hayaan natin ang Diyos. Hindi ko ito panahon sa inyong lugar. Iwan na natin ang pagtingin sa panahon ni pastor “ganito”. Tingnan natin ang gagawin ng Diyos. Angkinin nating ito ay panahon ng Diyos upang ang iglesiang ito ay lumago.

No comments:

Post a Comment

Featured Post

PATULOY TAYONG LUMAGO

    Sa halip, patuloy kayong lumago sa kagandahang-loob ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo, at sa pagkakilala sa kanya. S...